Katuwang nito ang Department of Health at Commission on Population upang tuluyang matuloy ang procurement, promosyon at distribusyon ng contraceptives at family planning products.
Ayon kay PopCom Executive Director Juan Antonio Perez III, sagabal lang ang TRO sa mga target agenda na pagkontrol ng pagdami ng populasyon sa bansa.
Hindi rin aniya mababago ang mataas na fertility rate ng bansa na isa sa pinakamataas sa Asya kung hindi ito mababago.
Paliwanag naman ni PLCPD Executive Director Romeo Dongeto, posible nitong maapektuhan ang labing tatlong milyong kababaihan kung magpapatuloy ito.
Umaasa naman aniya ang kanilang tanggapan na ikonsidera ng SC ang umiiral na TRO lalo na ngayong panahon ng women’s month.