Mga kapwa akusado ni GMA sa PCSO plunder case, may mga bagong kaso
Nahaharap sa panibagong mga kaso sa Sandiganbayan ang tatlong co-accused ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa PCSO plunder case.
Sinampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong graft at paglabag sa Section 7(d) of the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sina dating PCSO General Manager Rosario Uriarte, at dating PCSO members of the board Jose Taruc at Fatima Valdez.
Batay sa case information na inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan, February 2010 nang aprubahan ng mga nabanggit na former PCSO officials ang joint venture sa pagitan ng PCSO at TMA group of companies para sa pagtatayo ng formal coating and printing plant.
Tumanggap umano ang tatlong akusado ng regalo na all-expense paid trip to Australia mula sa TMA. Tatlumpung libong piso ang inirekumendang piyansa sa bawat akusado, sa bawat bilang ng mga kaso.
Sina Uriarte, Taruc at Valdez ay co- accused ni GMA sa plunder case dahil sa umano’y hindi tamang paggamit ng 366 million PCSO confidential intelligence funds noong Arroyo administration.
Si Valdez ay una nang nagtago sa New Zealand at nagpakita lamang ito sa korte noong nakalipas na taon maabswelto si Arroyo.
Matatandaan din na si Valdez, 69 years old, ay humiing sa korte na masailalim sa hospital detention makaraang ma-open heart surgery.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.