LAUGHTER YOGA AT BENEPISYO NITO SA KATAWAN NG TAO – ni Brenda Arcangel
Sabi nila ‘laughter is the best medicine’. Mas mabuti nga raw ang pagtawa kaysa ang pagsimangot o magalit dahil bukod sa maganda ito sa hitsura ng isang tao ay malaki ang tulong nito sa kalusugan.
Sa episode ng warrior angel noong august 15, 2015 ay ipinamahagi ni Mr. Paolo Martin Trinidad, ang founder ng pinoy laughter yoga ang benepisyo ng pagtawa.
Ayon kay Trinidad, sa Pinoy laughter yoga, ginagawa ang pagtawa gamit ang breathing exercises.
Ang itinuturo sa pinoy laughter yoga ay ang scientific laughter. Ito ay ang tawa na galing sa diaphragm. Para magawa ito ay kunwaring parang sumusutsot o sinasabi ang mga letrang c at h at pagkatapos ay mararamdaman ang paggalaw ng diphragm na magpapaganda ng sirkulasyon ng dugo na nakakatulong naman sa katawan at kalusugan.
Pagkatapos ay ngingiti at sasabayan ito ng pagsitsit. Pero limang beses lang anya itong gagawin at maganda kung sa umaga para hindi naman magka-hyperventilate.
Dagdag ni Trinidad, paggising sa umaga ay tumingin sa salamin, ngumiti saka tumawa habang ang kamay ay nasa dibdib. Unti-unti ay mararamdaman ang paggaan ng pakiramdam.
Ayon aniya sa founder ng laughter yoga, si Dr. Maden Cataria ng India, walang pinagkaiba ang totoo at pekeng tawa. ang tawa any nagpo-produce ng transmitters na kailangan na pangontra sa depression at para sa improved memory.
Pinakahuli, bago ang operasyon ay pinatatawa ang ooperahan dahil nakakabawas ito sa anxiety at nagiging stable ang blood pressure.
Samantala, ngayong ghost month, sinabi ng Feng Shui at Chinese Astrology Expert na si Master Hanz Cua na mabuti na bukod sa pag-aalay ng dasal at pagkain sa anya’y hungry ghost, mabuti ang pagtawa o laughter yoga para maging masaya ang mga ligaw na kaluluwa at tuluyan silang manahimik.
Dagdag naman ni Trinidad, ayon sa founder ng Science of Laughter na si Dr. William Fry, isa pang medikal na benepisyo ng laughter yoga ay sa pagbabawas ng timbang.
Ang pagtawa anya ng 20 seconds, maski pekeng tawa, ay katumbas na ng tatlo hanggang limang minutong heavy workout. Ang sampung minutong tawa ay tatlumpung minutong workout at nawawala na ang 150 calories.
Sinabi naman ni Dr. Michael Miller, isang American Cadrdiologist, dapat ang araw-araw na ehersisyo ay sinasamahan ng pagtawa dahil perfect cardio-vascular workout ang pagtawa.
Isang sample ng laughter yoga na sinabi ni Trinidad ay hawakan ang noo sabay sabi ng hi (hee) habang tumatawa na para bang isang nagkakamot na unggoy.
Gawin ito ng tatlumpung segundo pagkatapos ay mag-deep breathing ng limang beses, inhale sa ilong at exhale sa ilong para mas nare-relax pati ang utak.
Mabuti rin ang deep breathing kapag tense o umiinit ang ulo kapag nasa trapik at huwag kalimutan na sabayan ng tawa ang pag exhale.
Sa larangan ng medikal, ang pagtawa ay anti-inflammation. Kung tumatawa ay nababawasan ang inflammation. Ang pagtawa ay maganda rin sa blood circulation at maayos na blood pressure.
Sabi nga sa kanta ni Freddie Aguilar tawanan mo ang iyong problema. Kaya mga ka-angel, ikalat natin ang benepisyo ng pinoy laughter yoga!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.