Senate hearing sa BI bribery scandal, hindi na masusundan; Sen. Gordon ayaw nang makarinig ng kasinungalingan
Huli na ang pagdinig ngayong araw ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa bribery scandal na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Senator Richard Gordon, chairman ng komite, wala na siyang balak na sundan pa ang pagdinig dahil ayaw na niyang makarinig ng kasinungalingan.
Sinabi ni Gordon na sa isinagawang mga pagdinig, lumabas na ang katotohanan kaya pagkatapos ng pagdinig ngayong araw (Huwebes, March 9) ay ihahanda na ang committee report.
Muling humarap sa pagdinig sina dating Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles na kapwa nakatikim ng matinding sermon mula kay Gordon.
Ilang beses pang tumanggi si Robles na sagutin ang mga tanong ni Gordon dahilan para magbanta ang senador na patawan ito ng contempt.
Katwiran ni Robles, sa limang beses kasi niyang pagharap sa senate hearing ay ilang beses na rin siyang napahiya.
Lalong nainis si Gordon at inatasan ang senate security personnel na mag-standby na dahil maar ingang mapatawan ng contempt at detention si Robles.
Humarap din sa pagdinig ang iba pang resource persons gaya nina Wally Sombero at dating BI intelligence chief Charles Calima Jr. at si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.