Nagsagawa ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lansangan sa Quezon City partikular sa bahagi ng Panay Avenue, Mother Ignacia Street, at Scout areas.
Kabilang sa mga inalis ang mga sasakyan na nakahambalang sa kalsada at nakakaperwisyo sa daloy ng traffic.
Mula pedicab, tricycle, kotse, SUVs at iba pa ay hinatak ng mga tauhan ng MMDA.
Ilang residente naman na nagmamay-ari ng mga kinuhang pedicab at tricycle ang umalma at nagalit sa mga tauhan ng MMDA na nagsagawa ng clearing operations.
Maliban sa mga sasakyan, ang mga paninda at gamit na nasa sidewalk ay inalis din para maayos itong madaanan ng mga pedestrian.
WATCH: Nasa bahagi na ngayon ng Sct. Borromeo cor. Sct. Torillo St. ang mga tauhan ng @MMDA pic.twitter.com/Wcn8oN3Yzn
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 9, 2017
WATCH: Inalis ang mga nakahambalang sa kalsada gaya ng basura, at mga sasakyan | @MMDA pic.twitter.com/Xy7BGbkRwI
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 9, 2017
WATCH: Ang Hi-Ace Van na ito ay hahatakin, dahil nakaparada sa kalsada | @MMDA (via Jomar Piquero-DZIQ) pic.twitter.com/C4BVDtlpOi
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 9, 2017
WATCH: Maging ang mga nakahambalang sa sidewalk ay inalis din ng @MMDA (via Jomar Piquero-DZIQ) pic.twitter.com/jtZZtpuPVs
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 9, 2017