DOJ naglabas ng lookout bulletin laban sa may-ari ng Mighty Corporation

By Dona Dominguez-Cargullo March 09, 2017 - 10:13 AM

INQUIRER PHOTO
INQUIRER PHOTO

Nagpalabas na ng Immigration Lookout Bulletin Order ang Department of Justice laban sa presidente ng Mighty Corporation na si Alex Wongchuking.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, sakop din ng lookout bulletin ang kapatid ni Alex na si Caesar Wongchuking.

Inilabas ang lookout order matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip sa presidente ng dahil sa pamemeke nito ng tax stamps sa mga ibinebentang sigarilyo.

Sinabi ni Aguirre na hindi pa nila maaring dakpin si Wongchuking dahil wala pang kaso nakahain laban dito.

Noong Martes, nakipag-usap na si Alex Wongchuking at kaniyang abogado kay Sec. Aguirre para ihayag ang kahandaan na makipagtulungan sa imbestigasyon ng pamahalaan.

Kinumpirma naman ng Bureau of Immigration na mayroon na silang kopya ng lookout order.

Huwebes ng umaga ay umugong ang mga balita na ang magkapatid na Wongchuking ay lalabas ng bansa.

 

 

 

 

 

TAGS: alex wongchuking, department of justice, imiigration, lookout bulletin, mighty corporation, Radyo Inquirer, alex wongchuking, department of justice, imiigration, lookout bulletin, mighty corporation, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.