Twitter account ni Mocha Uson, suspendido

Mocha USon TwitterSuspendido ang twitter account ng kontrobersiyal na blogger na si Mocha Uson.

Sa kaniyang pahayag sa pamamagitan ng FB live, ikinuwento ni Uson na mula kagabi ay nagkaroon sila ng tinatawag na “DDS Twitter Party”.

Marami aniya ang nag-tweet na nagresulta ng 947,000 na twitter activity sa loob lamang ng 24-oras.

Hinala ni Uson, mayroon aniyang mga “dilawan” na nagsagawa ng mass report sa twitter para ireklamo ang kaniyang account dahilan para ito ay masuspinde.

Partikular na tinukoy ni Uson na posibleng nagreport ang aniya ay mga troll ni Vice President Leni Robredo.

Umaapela naman si Uson sa kaniyang followers na patuloy na mag-tweet at ipa-restore ang kaniyang account.

Bagaman may tumugon sa apelang suporta, ay mayroon din namang netizens ang nagpasalamat sa twitter sa pagkakasuspinde ng account ni Mocha Uson.

Read more...