Ilang barangay sa Las Piñas at Bacoor, Cavite, 14 na oras mawawalan ng tubig
Labingapat na oras na makararanas ng paghina hanggang sa tuluyang pagkawala ng tubig ang ilang barangay sa Las Piñas City at sa Bacoor, Cavite.
Ito ay dahil sa gagawing valve upgrade ng Maynilad sa bahagi ng Alabang-Zapote Road.
Batay sa abiso ng Maynilad, mula alas 9:00 ng gabi mamaya (March 9), hanggang alas 11:00 ng umaga bukas (March 10) ay apektado ng service interruption ang mga Barangays Molino II, III at VII; Queens Row Central; Queens Row East; Queens Row West at San Nicolas III sa Bacoor, Cavite.
Gayundin ang mga Barangay Almanza Uno at Dos; Barangay Pilar; Talon Uno; Talon Tres; Talon Kuatro at Talon Singko sa Las Piñas City.
Payo ng Maynilad sa mga residente, ngayong maghapon ay magsimula nang mag-ipon ng sapat na tubig na maari nilang magamit hanggang bukas.
Humingi din ng pang-unawa ang Maynilad sa posibilidad na ma-delay pa ang pagbabalik ng normal na water supply dahil depende ito sa elevation ng lugar, layo ng lugar mula sa mga pumping station, o dami ng gumagamit ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.