Bacon at soda, posibleng dahilan ng atake sa puso at stroke

By Kabie Aenlle March 09, 2017 - 04:00 AM

heart-attackBase sa resulta ng bagong pag-aaral, konektado ang pag-kain ng bacon sa pagkamatay dahil sa sakit sa puso, stroke at diabetes.

Ayon pa sa nasabing pag-aaral, ang overeating o hindi sapat na pagkain sa 10 foods and nutrients ay dahilan sa halos kalahati ng pagkamatay sa United States.

Kabilang sa mga “good” foods na hindi madalas kinakain ay mga nuts and seeds, seafood na hitik sa omega-3 fats kabilang na ang salmon at sardinas, mga prutas, gulay at whole grains.

Samantala, kabilang naman sa mga “bad” foods o nutrients na madalas kinakain ng sobra ay pawang mga maalat na pagkain, processed meats tulad ng bacon at hotdogs, red meat tulad ng steaks at hamburgers, pati na ang matatamis na inumin tulad ng soda o softdrinks.

Ang naturang research ay base sa datos ng US government na nagsasabing 700,000 na pagkamatay noong 2012 ay pawang dahil sa sakit sa puso, stroke at diabetes.

Bukod dito, naka-base rin ito sa resulta ng national surveys kung saan tinanong ang mga participants tungkol sa kanilang eating habits.

Ayon pa dito, ang pinagsama-samang 10 delikadong ingredients ay itinuturong dahilan ng 45 percent sa nasabing bilang ng mga namatay.

Naglabas naman ang nasabing pag-aaral ng rekomendasyon ng kung gaano karami lamang ang dapat kainin sa bawat “good” at “bad” ingredients.

Para sa “good” ingredients:

Fruits: 3 average-sized fruits daily
Vegetables: 2 cups cooked or 4 cups raw vegetables daily
Nuts/seeds: 5 1-ounce servings per week—about 20 nuts per serving
Whole grains: 2 ½ daily servings
Polyunsaturated fats, found in many vegetable oils: 11 percent of daily calories
Seafood: about 8 ounces weekly

Para naman sa “bad” ingredients:

Red meat: 1 serving weekly—1 medium steak or the equivalent
Processed meat: None recommended
Sugary drinks: None recommended
Salt: 2,000 milligrams daily—just under a teaspoon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.