Higit 23 kilo ng marijuana, natagpuan sa gitna ng dagat sa Leyte

By Jay Dones March 09, 2017 - 04:16 AM

 

Robert Dejon INQ

Aabot sa 22 plastic bag na naglalaman ng higit 23 kilo ng marijuana ang nadiskubre ng isang mangingisda na lumulutang sa karagatang sakop ng San Ricardo, Southern Leyte.

Nadiskubre ng mangingisdang si Diosdado Bakhawon ang naturang droga na napapaloob sa isang asul na container drum na lumulutang sa dagat.

Ayon kay Bakhawon, nakita niya ang naturang drum na lumulutang habang siya ay nangingisda kaya’t agad niya itong iniahon sa dagat.

Laking gulat ng mangingisda nang madikubreng naglalaman ang drum ng 22 na pakete ng high-grade marijuana na umaabot sa halagang P42 milyong piso.

Matapos ito, agad niyang iti-nurn over ang droga sa mga otoridad.

Hinala ng mga otoridad, posibleng matagal nang nakalutang sa dagat ang droga dahil sa mga ‘taliptip’ o rock oysters na nakadikit na dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.