Paliwanag ni Fariñas, siya mismo ang kumausap sa speaker na huwag na munang pilitin na ipatupad ngayon ang pagtanggal sa posisyon sa House leaders na sumalungat sa kanilang polisiya o bumotong ‘No’ sa panukala.
Bilang house majority leader, sinabi ni Fariñas na responsibilidad din niya ang mga affairs ng majority bloc.
At para sa kanya, hindi pa ngayon maisasakatuparan ang rigodon sa Kamara.
Inamin naman ang House Minority Bloc na nasorpresa sila sa bilang ng mga bomotong tutol sa Death Penalty Bill.
Sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na ang inasahan nila ay aabot lamang sa dalawampu ang magrerehistro ng ‘No’ vote pero nagulat sila na umabot pa ito ng limampu’t apat.
Pero dagdag ni Kabayan PL Rep. Harry Roque, marami ang nag-absent dahil sadyang ayaw maipit sa botohan.
Batay sa listahan na ipinarating sa media, nasa labing siyam ang mga kongresistang absent sa botohan kagabi.