Rigodon sa Kamara, ipauubaya na kay Rep. Fariñas

By Isa Avendaño-Umali March 09, 2017 - 04:20 AM

death-penalty-0517Ipinasa na ni House Speaker Pantaleon Alvarez kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang pagpapatupad ng rigodon sa Mababang Kapulungan, makaraan ang botohan sa Death Penalty Bill.

Paliwanag ni Fariñas, siya mismo ang kumausap sa speaker na huwag na munang pilitin na ipatupad ngayon ang pagtanggal sa posisyon sa House leaders na sumalungat sa kanilang polisiya o bumotong ‘No’ sa panukala.

Bilang house majority leader, sinabi ni Fariñas na responsibilidad din niya ang mga affairs ng majority bloc.

At para sa kanya, hindi pa ngayon maisasakatuparan ang rigodon sa Kamara.

Inamin naman ang House Minority Bloc na nasorpresa sila sa bilang ng mga bomotong tutol sa Death Penalty Bill.

Sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na ang inasahan nila ay aabot lamang sa dalawampu ang magrerehistro ng ‘No’ vote pero nagulat sila na umabot pa ito ng limampu’t apat.

Pero dagdag ni Kabayan PL Rep. Harry Roque, marami ang nag-absent dahil sadyang ayaw maipit sa botohan.

Batay sa listahan na ipinarating sa media, nasa labing siyam ang mga kongresistang absent sa botohan kagabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.