No bail recommended para kay Ka Angel Manalo

By Alvin Barcelona March 08, 2017 - 07:54 PM

Angel Manalo1
Inquirer file photo

Walang inirekomendang piyansa ang Quezon City Prosecutors Office para kina Felix Nathaniel Manalo alyas Ka Angel at Victor Erano “Jem” Manalo Hemedez na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms.

Hindi rin nagrekomenda ng piyansa ang piskal sa kasamahan nina Manalo na sina Jonathan Ledesma na kinasuhan naman ng direct assault with frustrated murder.

Si Ka Angel ay kapatid ni Iglesia ni Cristo Executive Minister Eduardo Manalo.

Samantala, sinabi ni Quezon City Police District Director Guillermo Eleazar na ang iba pang akusado ay inerekomenda na isailalim pa sa karagdagang imbestigasyon.

Matatandaang sinampahan ng kaso ng QCPD harap ni Quezon City Asst. City Prosecutor (ACP) Nilo Peñaflor
ang magkaanak na Manalo at mga kasamahan nito dahil sa pagpapaputok ng baril at pagkasugat sa dalawang miyembro ng raiding team ng QCPD na nagsilbi ng search warrant sa bahay nito sa Tandang Sora Avenue sa Quezon City noong nakaraang linggo.

TAGS: angel manalo, eduardo manalo, firearms, hermedez, Iglesia ni Cristo, QC, angel manalo, eduardo manalo, firearms, hermedez, Iglesia ni Cristo, QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.