Senator Jinggoy Estrada, pinahihinto na sa paninigarilyo ng kanyang duktor

August 18, 2015 - 12:14 PM

jinggoy-estrada2
Inquirer file photo

Pinahihinto na ng kaniyang duktor sa Cardinal Santos Medical Center si Senator Jinggoy Estrada sa paninigarilyo.

Ito ay matapos lumabas sa resulta ng isinagawang pagsusuri kay Estrada na mayroon itong mild coronary artery disease. Nakitaan din si Estrada ng mild prostate enlargement.

Kabilang sa mga rekomendasyon ni Wellness Center Physician Dr. Mikiko Yamanaka ang magdagdag ng physical activity si Estrada at kailangang manatili siya sa kaniyang low calorie diet.

Inirekomenda rin ni Yamanaka na sumailalim sa risk factor modification and aggressive medical therapy si Estrada.

Ang nasabing medical certificate ay naisumite na ng kampo ni Estrada sa Sandiganbayan.

Una ng pinayagan ng 5th division ng Sandiganbayan ang kahilingan ng nakakulong na senador na sumailalim sa 3-day medical check-up sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.

Batay sa resolusyon noon ng Sandiganbayan pinayagan si Estrada na makapagpasuri sa Cardinal Santos Medical Center mula alas 10:00 ng gabi noong August 4 hanggang alas 5:00 ng hapon ng August 6.

Kabilang sa sinuri kay Estrada ang kaniyang puso at gastrointestinal tract./ Jong Manlapaz

TAGS: estrada's medical certificate, Jinggoy Estrada, estrada's medical certificate, Jinggoy Estrada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.