Pwesto sa DFA dapat bakantehin agad ni Yasay ayon kay Lacson

By Den Macaranas March 08, 2017 - 03:52 PM

dfaPinayuhan ni Sen. Ping Lacson, Chairman ng Foreign Affairs Committee sa Commission on Appointments na dapat bakantehin agad ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay ang kanyang tanggapan.

Kasunod ito ng pagbasura ng C.A sa ad interim appointment ni Yasay bilang kalihim ng DFA.

Ipinaliwanag rin ni Lacson na dapat mag-appoint kaagad ang pangulo ng magiging kahalili ni Yasay at pwede ring italaga bilang officer-in-charge ang senior undersecretary ng kagawaran.

Ang nominasyon ni Yasay sa DFA ay ibinasura ng C.A makaraang umamin ang opisyal na siya’y naging U.S citizen noong 1986.

Ang nasabing isyu ay nauna nang itinanggi ni Yasay sa mga naunang pagsalang niya sa nasabing komite.

Ipinaliwanag naman ni Lacson na hindi na pwedeng humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan si Yasay kapag siya’y nasampahan ng reklamo kaugnay sa pagsisinungaling niya sa C.A.

TAGS: DFA, lacson, u.s citizenship, yasay, DFA, lacson, u.s citizenship, yasay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.