Ilang key positions sa Kamara idedeklarang bakante
Ipadedeklara nang bakante ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga posisyon ng mga kongresista na bumotong ‘NO’ sa pagpasa sa Death Penalty Bill.
Sa panayam kay Alvarez, sinabi niya na kung kakayanin ay papalitan sa lalong madaling panahon ang mga chairmen at deputy speaker na anti-death penalty.
Paliwanag ni Alvarez, sa kabila ng mataas na turn-out ng mga boto kagabi sa 3rd and final reading sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan ay tuloy ang kanyang naunang banta na aalisin sa kasalukuyang pwesto ang mga mambabatas na kontra sa naturang bill.
Kabilang sa mga nanganganib na palitan ay si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, na nag-iisang deputy speaker na bumotong ‘NO’.
Ani Alvarez, maninindigan siya na tatanggalin si CGMA kahit kausapin pa siya ng congresswoman.
Bukod kay Arroyo, nasa sampu ang maaalis sa committee chairmanship.
Pero paglilinaw ni Alvarez, ang mga committee chairmen na maaalis sa pwesto ay hindi masisipa bilang miyembro ng supermajority.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.