Pinoy, pinaghahanap sa Chicago, dahil sa kasong murder

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2017 - 01:33 PM

ChicagoNagsasagawa na ng manhunt operation ang mga pulis sa Illinois, Chicago laban sa isang Pinoy na wanted sa kaso ng pagpatay.

Ang 50 anyos na si John Panaligan ay suspek sa pagpatay sa 36 anyos na si Jigar Patel noong December 7.

Naganap ang insidente sa Northbrook Illinois.

Natagpuan si Patel na wala nang buhay sa opisina nito.

Nakita naman sa CCTV camera si Panaligan nang ito ay papaalis sa gusali.

Nag-ugat ang pagpatay kay Patel sa isang kaso na sangkot si Panaligan kung saan abogado ang biktima.

Ayon sa mga otoridad, maaring hindi pa nakalalabas ng US si Panaligan.

Naglabas na ng $3,000 na reward para sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Panaligan.

 

TAGS: cctv, Chicago, Filipino wanted in Chicago, John Panaligan, cctv, Chicago, Filipino wanted in Chicago, John Panaligan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.