Idinaan ng grupo ng mga kababaihan sa kilos-protesta ang paggunita ngayong araw ng International Women’s Month.
Mula sa Plaza Salamangka sa Kalaw, Maynila, nagmartsa ang mga miyembro ng grupong Gabriela patungong US Embassy.
Gayunman, pagsapit nila sa kanto ng Roxas Boulevard ay kaagad silang hinarang ng mga babaeng anti-riot police.
Matapos naman ang pakikipagdayalogo pinayagan din ang mga itong makalapit sa US Embassy ngunit hanggang sa harap lamang ng Museong Pambata sa kanto ng UN Ave.
Binatikos ng grupo ang pag-atake ni US President Donald Trump sa mga babae.
Gayundin nais nilang ibasura ang Enhance Defense Cooperation agreement o EDCA at Visiting Forces Agreement o VFA.
WATCH: Martsa ng mga kababaihan sa Roxas Blvd | JUN CORONA – DZIQ pic.twitter.com/oM3JEDGYiy
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 8, 2017
WATCH: Hinarang na ng mga pulis sa bahagi ng R. Blvd kanto ng UN Ave ang mga raliyista | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/Ac7W7C3XFg
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 8, 2017
WATCH: Hinarang na ng mga pulis sa bahagi ng R. Blvd kanto ng UN Ave ang mga raliyista | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/WtQ8tuCN1k
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 8, 2017