1 sa bawat 5 katao sa buong mundo, naniniwalang ang mga babae ay “inferior” sa mga lalaki
Isa sa bawat lima katao sa buong mundo ang naniniwalang ang mga babae ay maituturing na “inferior” sa mga lalaki at dapat manatili lamang sa bahay.
Sa isinagawang global survey na itinaon sa pagdiriwang ng International Women’s Day, naniniwala din ang isa sa bawat limang natanong na mas may kakayahan ang mga lalaki na magtrabaho at mag-aral.
Nasa 17,550 na katao ang nagsabi na dapat magkaroon ng pantay na karapatan ang mga babae at lalaki at tatlo sa bawat apat na respondents ang nagsabi na marami pa ring babae ang nakararanas ng social, political at financial inequality.
Ayon kay Kully Kaur-Ballagan, director ng Ipsos MORI na nagsagawa ng survey, mahigit kalahati sa mga nakapanayam nila ay naniniwalang sila ay “feminist” pero marami pa rin ang takot na hayagang magsalita ng tungkol sa women’s rights.
Nasa kalahati ng mga natanong sa survey na mula China, Russia at India ang nagsabi na sa kanilang lugar ang mga lalaki ay superior sa mga babae at mas malaki ang kinikitang pera at may mas mataas na educational attainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.