ASG member na may patung-patong na kasong murder arestado sa Zamboanga

Abu-Sayyaf-1-radyo-inquirerNaaresto na ng Criminal Investigation and Detection ang hinihinalang myembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na may patong sa ulo na 1.24 milyong piso.

Kinilala ang suspek na si Gian Arasod alyas Mujib Angging, Abu Jhad at Huntay.

Ayon sa hepe ng CIDG-National Capital Region na si Senior Supt. Belli Tamayo, napasakamay ng kaniyang mga tauhan si Arasod nang madakip ito sa Pier ng Zamboanga sa Zamboanga City.

Ani Tamayo, nahaharap sa 14 na bilang ng kasong murder at 12 bilang ng frustrated murder ang suspek.

 

 

Read more...