Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2017 - 06:33 AM

Mar 8 OrangeDahil sa nararanasang patuloy at malakas na pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA), itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa Mindanao at Visayas.

Orange warning level ang umiiral ngayon sa buong Southern Leyte at sa Southern Portion ng lalawigan ng Leyte.

Inalerto na ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar hinggil sa posibleng pagbaha.Mar 8 Yello

Samantala, alas 5:40 ng umaga, itinaas din ng PAGASA ang yellow warning sa northern portion naman ng Leyte.

Sa Mindanao naman, yellow warning din ang umiiral sa Lanao Del Norte, South Cotabato, Tawi-Tawi at Basilan.

Mar 8 Yellow MindanaoAng LPA ay huling namataan ng PAGASA sa 205 kilometers Southeast ng General Santos City, South Cotabato.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Visayas at Mindanao.

Habang bahagyang maulap na papawirin naman na mayroong isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.

 

 

 

TAGS: heavy rainfall warning, orange rainfall warning, Pagasa, weather in PH, yellow warning, heavy rainfall warning, orange rainfall warning, Pagasa, weather in PH, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.