Giit ni Albay Rep. Edcel Lagman, ito dapat ang gawin ng CA dahil sa pagsisinungaling ni Yasay tungkol sa kaniyang citizenship.
Sumang-ayon naman si Caloocan Rep. Edgar Erice, at sinabing tungkulin ng CA na i-reject ang nominasyon ni Yasay.
Samantala, iginiit ni Yasay na siya ay Pilipino hindi lang sa legalidad, kundi pati sa isip, salita at gawa.
Nilinaw rin niyang hindi siya nagsinungaling sa CA nang ibigay niya ang kaniyang mga testimonya, at na patuloy niyang paninindigan ang kaniyang mga naging pahayag.
Ayon naman kay presidential spokesperson Ernesto Abella, masyadong pinangungunahan ng mga miyembro ng komisyon ang sitwasyon nang sabihin nila na posible nilang tanggihan ang nominasyon ni Yasay.
Dagdag pa ni Abella, ang pahayag ni Yasay ay “logical, credible, open and transparent.”
Kabilang naman na sa bagong patakaran ng CA ang “three-strike” rule, kung saan ang mga nominees na tatlong beses nang na-bypass ng komisyon ay hindi na maaring muling ma-reappoint ng pangulo.
Pinaalala rin ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na oras na ma-reject ang isang nominee, hindi na ito maaring ma-reappoint, alinsunod na rin sa Konstitusyon.