Duterte: Totoong may DDS noong Martial Law

By Kabie Aenlle March 08, 2017 - 05:04 AM

Duterte23Kinumpirma kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na totoong nagkaroon ng Davao Death Squad (DDS).

Gayunman, nilinaw ni Duterte na nabuhay lang ang DDS noong kasagsagan ng martial law, upang kalabanin ang “Sparrow Unit” o ang isang special partisan unit na kilalang hit squad ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Duterte, wala siyang balak magpalusot tungkol dito, at na wala rin siyang ihihingi ng paumanhin.

Pero aniya, dapat munang alamin ng iba ang tungkol sa DDS, at maari din aniya itong ipagtanong sa mga taong nakakaalam nito tulad ng mga nakatatanda.

Matatandaang sa paglantad muli ni dating SPO3 Arthur Lascañas, ibinunyag niya ang pagiging bahagi ng notorious vigilante group na Davao Death Squad na pinamumunuan aniya ni Duterte noong siya pa ang alkalde ng lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.