Sa inihain niyang motion for leave to travel abroad, sinabi ni Arroyo na nais niyang umalis sa bansa sa Abril 6 hanggang 16.
Mula Abril 6 hanggang 12 ay mananatili siya sa Ana Intercontinental sa Tokyo, Japan.
Mula Abril 12 hanggang 16 naman ay nasa Holiday Inn Golden Mile sa Tsim She Tsui, Hong Kong siya manunuluyan.
Ipinunto sa mosyon na na-arraign na si Arroyo at nakapaglagak ng piyansa.
Higit sa lahat, tuwing may biyahe-abroad si Arroyo ay bumabalik siya sa Pilipinas, at hindi rin maituturing na flight risk.
Si Arroyo ay nahaharap sa kasong graft kaugnay ng pagbili sa dalawang helicopter ng Philippine National Police o PNP na pinalabas umanong bago.