Abad guilty sa DAP, Ex-PNoy inabswelto ng Ombudman

By Alvin Barcelona March 07, 2017 - 07:24 PM

aquino-abad
Inquirer file photo

Pinakakasuhan na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si dating Budget and Management Sec. Florencio Abad dahil dahil sa pagpapatupad ng kontrobersiyal na Disbursement Accelaration Program (DAP).

Gayunman ay abswelto naman sa reklamo sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Usec. Mario Relampagos.

Ayon sa Ombudsman, nakakita sila ng probable cause para kasuhan sa Sandiganbayan si Abad dahil sa paglabag sa Article 239 (Usurpation of Legislative Powers) ng Revised Penal Code nang iligal itong inisyu ang National Budget Circular (NBC) No. 541 na nagpapatupad sa P72 Billion DAP.

Bukod dito, guilty din aniya si Abad sa kasong Simple Misconduct at pinagbabayad ng multa ng halagang katumbas ng tatlong buwan nitong suweldo noon.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamong isinampa ni Congressman Carlos Isagani Zarate, Renato Reyes, Benjamin Valbuena, Dante LA Jimenez, Mae Paner, Antonio Flores, Gloria Arellano at Bonifacio Carmona Jr.

Iginiit ng Ombudsman na dahil sa pag-iisyu ni Abad sa NBC No. 541, pinanghimasukan nito ang kapangyarihan ng kongreso dahil binago nito ang probisyon ng savings sa ilalim ng 2012 General Appropiriations Act (GAA).

Una nang idineklara ng Korte Suprema noong 2014 na unconstotutional ang ilang probisyon ng DAP.

TAGS: ABAD, Aquino, DAP, ombudsman, ABAD, Aquino, DAP, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.