Natukoy ang pinagbagsakan ng Trigana Air sa sa itaas ng bulubunduking bahagi ng Papua Province na may taas na 2,600 meters.
Sakay ng Trigana Air ang 54 katao na kinabinilangan ng 44 adults, limang mga bata at limang crew ng naturang eroplano.
Sinabi ni Bambang Soelistyo, spokesman ng Indonesian Rescue Team na malakas pa rin ang pag-ulan sa lugar kaya hirap umakyat sa mismong crash site ang kanilang mga tauhan.
Galing ng Jayapura Airport ang naturang eroplano papunta sa lalawigan ng Oksibil malapit sa boundary ng Indonesia at Papua New Guinea nang biglang mawala sa radar ang Trigana Air.
Sa record naman ng Global Aviation Industry website na FlightGlobal, ang naganap na plane crash ang ikawalong insidente na kinasasangkutan ng Trigana Air mula noong 1992. / Den Macaranas