Death penalty bill, lusot na sa Kamara

congress1Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magbabalik sa parusang kamatayan.

Sa botong 216-yes, 54-no at 1-abstention, tuluyan nang ipinasa ng Kamara ang House Bill 4727 o ang Death Penalty Bill.

Nominal ang naging botohan kaya isa-isang bumoto ang mga kongresista sa dalawang rounds ng roll call.

Kabilang sa mga tumutol sa panukala sina Congressmen Edcel Lagman, Lito Atienza, Tom Villarin, Gary Alejano, Raul Daza, Teddy Baguilat at Makabayan Bloc.

At gaya ng inaasahan, nag-No vote si Deputy Speaker Gloria Arroyo, maging sina Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos at Lipa City Rep. Vilma Santos-Recto.

Sa ilalim ng inaprubahang panukala, tanging ang mga drug-related crime ang papatawan ng parusang kamatayan.

Tinangka pang harangin ni Lagman ang botohan at iginiit na premature na isalang sa 3rd and final reading ang panukala dahil labag ito sa 3-day notice rule.

Pero giit ni House Majority Leader Rodolfo Farinas, nasunod ang 3-day notice rule, dahil Huwebes pa lang noong nakalipas na linggo ay ipinamahagi naang kopya ng final bill at katunayan ay may pirma nang tumanggap sa opisina ni Lagman.

Read more...