D.I ng kapatid ni Duterte naglabas ng patunay na siya ay buhay

By Den Macaranas March 07, 2017 - 04:04 PM

Ruben Borja
Baguio’s FB account

Naglabas ng mensahe sa pamamagitan ng kanyang Facebook account si Ruben Borja Baguio para patunayan na siya ay buhay taliwas sa mga sinabi sa Senado kahapon ni dating SPO3 Arthur Lascañas.

Si Baguio ang sinasabing dance instructor ng presidential sister na si Jocellyn Duterte Villarica mula pa noong 2007.

Sa kanyang testimonya sa Senado ay sinabi ni Lascañas na dinala sa isang quarry site sa Davao city ang nasabing D.I at doon pinatay ng mga miyembro ng Davao Death Squad kung saan siya ay kaanib.

Sa panayam ng Radyo Inquirer ay sinabi ni Villarica na hindi totoo ang nasabing pahayag ni Lascañas dahil buhay si Baguio at huli silang nagkita noong nakalipas na buwan ng Enero.

Sa kanya namang FB post ay sinabi ni Baguio na siya ay buhay na buhay kasunod ng pakiusap na huwag na siyang idamay sa anumang isyu dahil siya’y nagta-trabaho ng marangal.

Sinabi rin ni Baguio na totoong D.I nga siya ni Ginang Villarica.

TAGS: dance intructor, dds, Jocellyn Duterte-Villarica, lascañas, ruben baguio, dance intructor, dds, Jocellyn Duterte-Villarica, lascañas, ruben baguio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.