Mga SC Justices na kontra bitay posibleng ma-impeach
Nagbabala ang isang lider ng Kamara na mahaharap sa impeachment ang mga mahistrado ng Korte Suprema na kukwestyon sa Death Penalty Bill.
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, hindi pwedeng manghimasok ang Mataas na Hukuman sa ‘wisdom’ ng panukala, lalo na sa oras na maging ganap na batas na ito.
Ani Fariñas, mai-impeach ang mga SC justices kung ganoon ang kanilang gagawin dahil mistulang pangingi-alam ito sa trabaho ng mga kinatawan ng mga tao… ang mga mambabatas.
Paalala ng majority leader, ang trabaho ng Korte Suprema ay i-interpret ang batas at kapag kumpleto na ang anumang batas ay wala umanong mapagpipilian kundi pairalin ito.
Inihayag ito ni Fariñas sa gitna ng kabi-kabilang banta ng mga anti-death penalty na i-aakyat sa Kataas-taasang Hukuman ang usapin at para ang pagpapatupad kapag naging batas na ang Death Penalty Bill.
Samantala, naniniwala si Fariñas na makakaramdam ng pressure ang mga senador lalo na kapag nakita nilang mas maraming kongresista ang bobotong pabor sa panukalang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.