“Madam Secretary” binatikos ng Malacañang

By Chona Yu March 07, 2017 - 03:03 PM

Abella2Binuweltahan ng Malacañang ang isang television series sa U.S na ipinapakitang binastos ng pangulo ng Pilipinas ang kanilang secretary of state.

Base sa season 3 ng tv series na “Madam Secretary”, ipinapakita sa eksena na hinawakan ng pangulo ng Pilipinas ang puwitan ng U.S secretary of state dahilan para sapakin ito at dumugo ang ilong ng Philippine President.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nililito ng mga taong nasa likod ng TV series ang imahe at maaring ipinapakita nila ang sariling sitwasyon ng America at hindi ng Pilipinas.

Hinimok pa ni Abella ang mga taong nasa likod ng “Madam Secretary” na gumamit na lamang ng fictional U.S President imbes na ang pangulo ng ating bansa ang ilagay sa nasabing kontrobersiyal na eksena.

Ayon pa kay Abella, sarili nilang panlasa ang naturang eksena. quote

“I think they are confusing their images. I think they are projecting something that they really would like to say about their own situation”, dagdag pa ng kalihim.

TAGS: abella, duterte, madam secretary, abella, duterte, madam secretary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.