Nagdaos ng misa sa Eternal Gardens sa Naga City bilang paggunita sa ikatlong anibersaryo ng kamatayan ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo.
Ang nasabing misa ay dinaluhan ni Representative Leni Robredo at tatlo nilang anak na sina Aika, Patricia at Jillian at mga miyembro ng gabinete.
Libu-libong residente din ng Naga City ang nagtungo sa Eternal Gardens para makiisa sa paggunita.
Karamihan sa mga dumalo sa misa ay pawang nakasuot lamang ‘tsinelas’. Si Robredo ay nakilala sa tinaguriang ‘tsinelas’ leadership nito.
Maaga pa lamang ay nagtalaga na ng mga tauhan ng Naga City Police Office (NCPO) at augmentation force galing sa Police Regional Office-V sa iba’t ibang lugar na pagdarausan ng aktibidad sa lungsod.
Bago mag alas 10:00 ng umaga ay dumating sa Naga City si Pangulong Benigno Aquino III para makiisa sa paggunita.
Ngayong araw ay special non-working holiday sa Naga upang mabigyang pagkakataon ang mga residente na dumalo sa mga akitbidad.
Bahagi ng aktibidad ang “Tsinelas Neon Run” na isinagawa noong Lunes ng gabi at nilahukan ng nasa 800 mga kabataan./ PDI Reporter Marlon Ramos, Dona Dominguez Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.