Mga pasabog ni Lascañas, bahagi ng destab plot vs Duterte ayon sa kapatid ng pangulo

By Dona Dominguez-Cargullo March 07, 2017 - 09:35 AM

FB PHOTO
FB PHOTO

Pawang kasinungalingan ang mga pinagsasabi sa senado ni self-confessed Davao Death Squad (DDS) member Arthur Lascañas.

Kabilang na dito ang kaniyang pahayag na pinapatay din ni Pangulong Rodrigo Duterte and dance instructor ng kaniyang kapatid.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Jocellyn Duterte-Villarica, ang pagbabago ng mga pahayag ni Lascañas at lahat ng testimonya nito sa senado ay malinaw na bahagi ng destabilization plot laban kay Pangulng Duterte.

Nakatitiyak din si Villarica na may part 3 pa ang kwentong ito na aniya ay pakana ni Senator Antonio Trillanes IV.

Hamon ni Villarica kay Trillanes, kung handa itong sagutin ang lahat ng gastos, payag siyang iharap sa senador ang D-I na sinasabi ni Lascañas na ipinapatay sa Davao City.

Dagdag pa ni Villarica, tila hindi na alam ni Trillanes ang kaniyang trabaho at nauubusan na yata ito ng isyu.

Sa kaniyang Facebook post sinabi ni Villarica na buhay na buhay ang D-I na si Rubern Borja Baguio.

“Buhay na buhay po yong Dance Instructor na sinasabi nila!!! Ang pangalan po niya ay si Ruben Borja Baguio. Sen. Trillanes ‘pag kumuha na naman kayo ng ibang witness, siguradohin mong certified, true and correct. Mukha na kayong tanga,” bahagi ng FB post ni Villarica.

Sinabi ni Villarica na walang anumang kaso sa Davao City na mayroong ipinapatay o ipinalibing na D-I.

Ayaw na rin umano niya sanang sagutin ang isyu na tila pag-aaksaya lang ng pera at oras para sa kaniya, pero kailangan niya itong gawin dahil nakakaladkad ang pangalan ng kaniyang kapatid na si Pangulong Duterte.

 

 

TAGS: arthur lascanas, Dance instructor, Jocellyn Duterte-Villarica, Ruben Borja Baguio, arthur lascanas, Dance instructor, Jocellyn Duterte-Villarica, Ruben Borja Baguio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.