MRT nakaranas ng dalawang magkasunod na aberya

By Dona Dominguez-Cargullo March 07, 2017 - 08:24 AM

MRT Adv Mar 7Dalawang beses na nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) sa kasagsagan ng rush hour, Martes ng umaga.

Sa abiso sa twitter account, unang naganap ang aberya alas 6:17 ng umaga sa southbound ng Shaw Boulevard station.

Pinababa ang mga pasahero ng isang tren matapos itong makaranas ng technical problem.

Agad nasundan ang naturang aberya, matapos na magpababa muli ng mga pasahero sa bahagi ng Santolan Anapolis station northbound.

Naganap ang ikalawang aberya alas 7:12 naman ng umaga kung saan marami sa mga pasahero ay papasok sa kanilang mga trabaho.

Technical problem din ang sinabing dahilan ng MRT sa ikalawang naranasang aberya sa biyahe.

 

 

 

TAGS: Metro Rail Transit, MRT, Philippine News, Radyo Inquirer, technical problem, train system, transport system, Metro Rail Transit, MRT, Philippine News, Radyo Inquirer, technical problem, train system, transport system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.