Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Visayas
(UPDATE) Dahil sa malakas at patuloy na pag-ulan, itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Visayas.
Yellow warning level ang umiiral ngayon sa Northern Samar.
Ito ay dahil sa ilang oras nang pag-ulan na nararanasan sa nasabing lugar bunsod ng umiiral na Low Pressure Area.
Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng landslides at pagbaha sa mga lugar na apektado ng heavy rainfall warning.
Samantala, light to moderate rains naman ang naka-aapekto sa Northern portions ng Samar at Eastern Samar.
Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa 160 Kilometers southeast ng Davao City.
Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na maliit pa rin ang tsansa na ito ay maging isang ganap na bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.