Rollback sa mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayong araw

By Kabie Aenlle March 07, 2017 - 05:03 AM

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
AFP PHOTO/ JAY DIRECTO

Matapos ang sunud-sunod na pagta-taas ng presyo ng mga produktong petrolyo, nag-anunsyo naman ng rollback ang mga kumpanya ng langis para sa araw na ito.

Magpapatupad ng 55 centavos na rollback sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina ang mga kumpanyang Jetti, Total, Unioil, Eastern, PTT, SeaOil, Petron, at Shell mula alas-6:00 ng umaga.

Ibababa naman ng mga naturang kumpanya ng 10 centavos ang presyo ng kada litro ng diesel epektibo sa parehong oras ngayong araw.

May rollback rin ang SeaOil, Petron at Shell na 20 centavos sa kada litro ng kanilang kerosene.

Gayundin ang mga pagbaba ng presyo ng mga produkto ng Flying V na nauna nang magpatupad mula pa kaninang 12:01 ng hatinggabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.