Rape at plunder, posibleng maidagdag ulit sa death penalty bill

By Kabie Aenlle March 07, 2017 - 05:02 AM

Alvarez2-0615Inihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang posibilidad na paunti-unting maisama ulit ang mga kasong rape at plunder sa panukalang panunumbalik sa death penalty.

Ayon kay Alvarez, kaya lang naman nila nilimitahan sa mga drug related offenses ang panukala ay dahil sa pagiging kontrobersyal nito.

Matatandaang binawasan rin ang mga kasong parurusahan ng bitay sa panukala upang mapabilis ang consensus at ang pag-pasa nito.

Gayunman ayon kay Alvarez, maari namang ipasa ang mga karagdagang kasong maparurusahan ng bitay paisa-isa, bagaman magiging mabagal ito dahil kailangan pang pag-debatehan ang mga ito.

Samantala, muli namang binalaan ni Alvarez ang mga House leaders na bumoto pabor sa panukala kung ayaw nilang mawalan ng komite o ng deputy status.

Aniya pa, maging ang abstention o absence lamang aniya sa plenary session ay posible nang matanggalan ng posisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.