Paolo Duterte may buwelta kina Trillanes at Lascañas
Tinawag na “ugok” ni Davao City Vice mayor Paolo Duterte si Sen. Antonio Trillanes samantalang “tuta” naman ang kanyang pagsasalarawan kay dating SPO3 Arthur Lascañas.
Yan ang naging reaksyon ng opisyal na kanyang inilagay sa kanyang Instgram post makalipas ang pagharap ni Lascañas sa pagdinig ng Senado kanina.
Naglagay rin si Duterte ng larawan nila ng kanyang kaibigan na si Charlie Tan na sinabi ni Lascañas na isang drug lord.
Sa Pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay idininetalye ng self-confessed Davao Death Squad member ang naging papel ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang mga ginawang pagpatay.
Sinabi rin niya sa inarbor ng batang Duterte si Tan na isang drug lord.
Kanina rin ay nag-adjourn na ang nasabing komite sa pagdinig sa nasabing isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.