Dance instructor ng kapatid ni Duterte haharap sa pagdinig ng Senado
Sinabi ni Sen. Ping Lacson, pinuno ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na posibleng humarap sa Senado ang dating dance instructor ni Jocellyn Duterte na si Ruben Borja Baguio.
Ang pangalan ni Baguio ay una nang lumutang na umano’y pinatay ng mga miyembro ng Davao Death Squad base sa naging direktiba ni dating Davao City mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang Facebook Account ay sinabi ni Jocellyn Duterte-Villarica na buhay na buhay ang kanyang dating D.I taliwas sa mga naging pahayag ni dating SPO3 Arthur Lascañas na kasama siya sa mga pumatay sa dito.
Dahil sa nasabing pangyayari, sinabi ni Lacson na lalong lumabas na kaduda-duda ang mga naging testimonya ng dating pulis.
Sa pagdinig ng Senado kanina ay inamin ni Lascañas na marami silang pinatay at inilibing sa isang quarry site sa Davao City base sa kautusan ni Duterte.
Si Lascañas ay nasa pangangalaga ngayon ni Sen. Antonio Trillanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.