Ayon kay Lascañas, naganap ito noong taong 2014, kung saan ang unang utos ng nakababatang Duterte ay ang harangin ang van na sinasakyan ng isang Charlie Tan dahil may dala umano itong shabu.
Base aniya sa utos ni Paolo Duterte, sa sandaling dumating ang van sa Davao, kailangan itong escortan patungo sa isang barangay hall at sa sandaling makumpirma na may shabu nga ang van, ay huhulihin si Charlie Tan.
Pero nang dumating ang van, dumawag umano si (Paolo) Duterte at sinabing huwag nang gawin ang nauna niyang utos.
Aniya, inarbor ng nakababatang Duterte si Tan.
Doon na aniya siya nagsimulang magduda sa kampanya kontra illegal drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte na noon ay alkalde pa ng Davao City.
Dagdag pa ni Lascañas, napaiisip siya noon na may pinipili pala ang war on drugs ni Duterte, habang siya at iba pang miyembro ng Davao Death Squad ay nakalubog ang dalawang paa sa impyerno dahil sa pagpatay.