Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, may inarbor na drug suspect ayon kay Lascañas

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2017 - 12:27 PM

Arthur LascanasIsang suspek sa kasong droga ang inarbor umano umano Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, ayon sa testimonya sa senado ni retired SPO3 Arturo “Arthur” Lascañas.

Ayon kay Lascañas, naganap ito noong taong 2014, kung saan ang unang utos ng nakababatang Duterte ay ang harangin ang van na sinasakyan ng isang Charlie Tan dahil may dala umano itong shabu.

Base aniya sa utos ni Paolo Duterte, sa sandaling dumating ang van sa Davao, kailangan itong escortan patungo sa isang barangay hall at sa sandaling makumpirma na may shabu nga ang van, ay huhulihin si Charlie Tan.

Pero nang dumating ang van, dumawag umano si (Paolo) Duterte at sinabing huwag nang gawin ang nauna niyang utos.

Aniya, inarbor ng nakababatang Duterte si Tan.

Doon na aniya siya nagsimulang magduda sa kampanya kontra illegal drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte na noon ay alkalde pa ng Davao City.

Dagdag pa ni Lascañas, napaiisip siya noon na may pinipili pala ang war on drugs ni Duterte, habang siya at iba pang miyembro ng Davao Death Squad ay nakalubog ang dalawang paa sa impyerno dahil sa pagpatay.

 

 

 

 

 

TAGS: arthur lascanas, Davao City, Davao Death Squad, paolo duterte, senate hearing, arthur lascanas, Davao City, Davao Death Squad, paolo duterte, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.