Dela Rosa: “Bagong Oplan Tokhang, magiging less bloody”

By Len Montaño, Ruel Perez March 06, 2017 - 11:38 AM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Ronald Dela Rosa na hindi na magiging madugo ang pagbabalik ng war on drugs ng gobyerno.

Ayon kay Dela Rosa, less bloody na ang bagong kampanya kontra sa droga na Oplan Revisited Tokhang part 2.

Lunes ng umaga, pormal na inilunsad ni Dela Rosa ang Oplan Tokhang revisited at ang Project Double Barrel Alpha reloaded.

Sa flag-raising ceremony Camp Crame, magiging ‘less bloody’ kung hindi man totally ay magiging bloodless ang pagbabalik ng PNP sa kampanya laban sa droga.

Siniguro rin ni Bato na magiging lehitimo ang lahat ng operasyon ng pulisya.

Kasama na rin aniya ang simbahan sa kampanya ng PNP laban sa droga.

Katwiran ng PNP chief, karamihan sa mga sangkot sa droga ay naniniwala sa Diyos kaya kailangan aniya ng PNP ng partisipasyon ng simbahan.

Target ngayon ng bagong war on drugs na iligtas ang mga drug users at ipakulong ang drug pushers.

Pagtutuunan din anya ng pulisya ang rehabilitasyon ng mga sumukong drug users.

Inamin ni Dela Rosa na sa unang Tokhang ay kulang pa ang rehabilitation centers sa bansa kaya bumalik din sa paggamit ng droga ang mga sumukong users.

Kasabay nito, pormal din na inilunsad ni Dela Rosa ang PNP-DEG o PNP Drug Enforcement Group na siyang papalit sa binuwag na PNP-AIDG na pamumunuan ni Sr. Supt. Graciano Mijares.

Kaugnay nito, inanyayahan ni Bato ang lahat ng mga matitinong pulis na mayroon umanong pagnanasa o ‘burning desire’ na tumulong sa kampanya laban sa ilegal na droga na mag-volunteer sa PNP-DEG dahil sa ngayon ay kulang pa umano sila sa tao

Naniniwala si Dela Rosa na mas marami pa rin ba matitinong pulis na maasahan ng taumbayan kaya maari magvolunteer sa war on drugs ng PNP.

 

TAGS: Oplan Revisited Tokhang part 2, PNP, Tokhang Part 2, Oplan Revisited Tokhang part 2, PNP, Tokhang Part 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.