Orange Rainfall Warning itinaas sa mga lalawigan sa Mindanao dahil sa patuloy na pag-ulan

Mar 6 11AM orangeNagtaas na ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa maraming bayan sa mga lalawigan sa Mindanao dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Sa abiso ng PAGASA, orange rainfall warning ang nakataas sa mga bayan ng SanAgustin, Marihatag, Cagwait, Bayabas, Barobo, Hinatuan, Bislig at Lingig sa Surigao del Sur; San Francisco, Rosario, Bunawan, Trento at Santa Josefa sa Agusan del Sur; Mokayo, Compostela Valley; at sa Boston, Cateel, Baganga sa Davao Oriental.

Pinaghahanda ng PAGASA ang komunidad sa nasabing mga lugar kaugnay sa posibleng pagbaha at landslides.

Samantala, nananatili namang nakataas ang yellow warning sa iba pang bahagi ng Agusan del Sur, Compostela Valley at Davao del Norte.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente na mag-antabay sa susunod nilang rainfall advisory.

 

 

Read more...