Orange Rainfall Warning itinaas sa mga lalawigan sa Mindanao dahil sa patuloy na pag-ulan

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2017 - 11:34 AM

Mar 6 11AM orangeNagtaas na ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa maraming bayan sa mga lalawigan sa Mindanao dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Sa abiso ng PAGASA, orange rainfall warning ang nakataas sa mga bayan ng SanAgustin, Marihatag, Cagwait, Bayabas, Barobo, Hinatuan, Bislig at Lingig sa Surigao del Sur; San Francisco, Rosario, Bunawan, Trento at Santa Josefa sa Agusan del Sur; Mokayo, Compostela Valley; at sa Boston, Cateel, Baganga sa Davao Oriental.Mar 6 11AM orange 2

Pinaghahanda ng PAGASA ang komunidad sa nasabing mga lugar kaugnay sa posibleng pagbaha at landslides.

Samantala, nananatili namang nakataas ang yellow warning sa iba pang bahagi ng Agusan del Sur, Compostela Valley at Davao del Norte.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente na mag-antabay sa susunod nilang rainfall advisory.

 

 

TAGS: heavy rainfall warning, Mindanao, Orangel Rainfall Warning, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, yellow rainfall warning, heavy rainfall warning, Mindanao, Orangel Rainfall Warning, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.