WATCH: Suspek sa ‘sextortion’, arestado sa Pasay City

Arestado ang isang lalaking suspect sa panghahalay at ‘sextortion’ sa dalawang menor de edad sa ikinasang entrapment operation ng pulisya sa Pasay City.

Positibong kinilala ng dalawang biktima ang suspect na si Aldwin Angelo Cruz, bente kwatro anyos, at residente ng Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Police Sr. Insp. Jun Saballo ng Manila police district, modus ng suspect na magpakilala bilang isang talent manager, at makikipagugnayan sa mga babaeng gustong mag-model sa pamamagitan ng Facebook.

Narito ang ulat ni Cyrille Cupino:

 

Read more...