WATCH: Lalaking nakaposas, natagpuang patay malapit sa North Cemetery

By Cyrille Cupino March 06, 2017 - 10:08 AM

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na nakaposas sa gilid ng Manila North Cemetery, bahagi ng A. Bonifacio Ave., Brgy. NS Amoranto, Quezon City.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa 50 anyos na, may katamtamang pangangatawan, nakasuot ng puting t-shirt at maong na shorts.

Batay sa imbestigasyon, isang basurero ang nakakita sa bangkay na nakahandusay sa madilim na bahagi ng kalsada.

Narito ang ulat ni Cyrille Cupino:

TAGS: metro, Radyo Inquirer, summary execution, metro, Radyo Inquirer, summary execution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.