Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2017 - 06:57 AM

8AM yellow Warning'(UPDATE) Dahil sa malakas at patuloy na na pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA), itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa maraming lalawigan sa Mindanao.

Sa ngayon, umiiral ang yellow rainfall warning sa buong lalawigan ng Surigao del Sur; mga bayan ng San Francisco, Rosario, Bunawan, Trento at Santa Josefa sa Agusan del Sur; mga bayan ng Monkayo, Compostela at Montevista sa Compostela Valley; mga bayan ng Boston, Cateel, Baganga at San Isidro sa Davao Oriental; at sa bayan ng Calveria, Balingasag at Jasaan sa MisamisOriental.

Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng flashfloods at landslides sa nasabing mga lugar na apektado ng yellow rainfall warning.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan ngayon sa iba pang bahagi ng Agusan del Sur, Compostela Valley, Davao Oriental, Misamis Oriental at Camiguin, gayundin sa mga bahagi ng Surigao del Norte kabilang na ang Siargao Islands at Dinagat Islands, mga bayan ng Tubay at Jabonga sa Agusan Del Norte; mga bayan ng Malitbog, Manolo Fortich, Impasug-ong, Baungon, Talakag, at Cabanglasan sa Bukidnon; IliganCity; Kapai, Lanao del Sur; Arakan, President Roxas, Magpet sa North Cotabato; Davao City at Samal Island.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga apektadong residente na bantayan ang susunod na rainfall advisory na ipalalabas ng weather bureau.

TAGS: heavy rainfall warning, Pagasa, weather, heavy rainfall warning, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.