Tokhang surrenderee, pinagbabaril sa Quezon City, patay

By Cyrille Cupino March 06, 2017 - 04:32 AM

 

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang naninigarilyo sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang si Wendel Rediang, 23-anyos matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa imbestigasyon ng QCPD Station 6, nakatambay lang ang biktima sa labas ng isang sari sari store sa Sto. Niño Extension, nang barilin ito ng isang lalaking naka-suot ng bonnet.

Matapos ang pamamaril, naglakad lang ang suspek palayo at sumakay sa isang lalaking nakamotorsiklong nag-aabang sa kanya.

Napag-alamang una nang sumuko sa Oplan Tokhang ang biktima pero hindi na raw ito nakapagreport noon.

Ilang beses na rin umano itong napapabarangay dahil sa pakikipag away.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang at kung sino ang nasa likod nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.