Kinumpirma ni Senador Antonio Trillanes na natanggap na ni Lascañas ang imbitasyon na Senado para humarap sa pagdinig.
Sa kanyang pagharap sa mga Senador at sa publiko, inaasahang marami pang isisiwalat si Lascañas sa kanyang nalalaman uikol sa Davao Death Squad (DDS) at ang koneksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang vigilante group.
Inaasahan ring gigisahin ng ilang mga senador si Lascañas upang matukoy kung mapaninindigan nito ang kanyang mga isiniwalat sa press conference noong nakaraang buwan at sa umano’y journal na kanyang ginawa ukol sa kinalaman ng pangulo sa DDS.
Bukod sa dating pulis, inimbitahan rin ni Senador Panfilo Lacson na pinuno ng komite na magsasagawa ng imbestigasyon ang dating hepe ng Davao City Police at mga kinatawan ng Commission on Human Rights (CHR).