P50-milyon ilalaan para sa mine closure review

By Jay Dones March 06, 2017 - 04:21 AM

 

Richard Balonglong/Inquirer N. Luzon

Maglalaan ng P50 milyon ang pamahalaan para muling pag-aralan ang kautusan ng Department of environment and Natural resources na nagpapasara sa 28 minahan sa bansa.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, gagamitin ang naturang pondo ng Interagency Mining Industry Coordinating Council (MICC) sa kanilang isasagawang komprehensibong pag-aaral sa lahat ng mga mining contracts na pinasok ng kagawaran sa nakalipas na mga taon.

Magmumula aniya ang pondo sa contingency fund ng gobyerno at inaasahang tatagal ang review ng tatlong buwan.

Umaasa naman si Dominguez na sa mga susunod na taon, mapaglalaanan na ng sariling pondo ang MICC.

Si Dominguez ang magsisilbing co-chair ng MICC kasama si Environment Secretary Gina Lopez.

Pag-aaralan ng MICC kung sumusunod ba ang 28 minahan sa mga umiiral na kontrata at kasunduan sa ilalim ng mga isinasaad ng batas.

Ang resulta ng pag-aaral at magiging rekomendasyon ng MICC ay direktang isusumite at dedesisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.