‘Revised travel ban’ nakatakdang pirmahan ni US President Trump
Nakatakdang lagdaan ni US President Donald Trump ang Revised travel ban ngayong araw.
Ito’y makalipas ang isang buwang makaraang batikusin ang orihinal nitong kautusan sa buong Estados Unidos.
Magaganap ang nasabing paglalagda ng New Executive Order sa Department of Homeland Security ayon sa senior government officials.
Matatandaang inilabas noong January 27 ang orihinal na order ni Trump na ipinagbabawal na makapasok sa Amerika ang mga taong galing sa pitong Muslim-majority countries sa loob ng 90 araw.
Gayundin ang mga refugees sa loob ng 120 araw at permanente naman para sa Syrian refugees.
Dahil dito, binatikos ito ng publiko at nagkaroon ng malawakang protesta sa Estados Unidos.
Hindi naman malinaw kung ano nagpabago kay Trump upang baguhin ang nasabing kautusan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.